Bagong Port Operations Building at Transit Shed sa Port of Masbate, pinasinayaan na ng PPA

08 MARSO 2023, MASBATE — Pormal ng binuksan sa publiko ng Philippine Ports Authority (PPA) ang bagong Port Operations Building (POB) at Transit Shed nito sa Port of Masbate ngayong araw, ika-8 ng Marso 2023.

Mula sa dati nitong kapasidad na kaya lamang makapag serbisyo sa 100 na pasahero, kaya na ng bagong POB na maserbisyuhan ang mahigit na 500 pasahero anumang oras, higit na limang beses na mas malaki kumpara sa kapasidad ng lumang passenger terminal building sa pantalan.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, malaking tulong at kaginhawahan ito sa mga pasahero lalo na ngayong papalapit na ang Semana Santa kung saan ilan sa mga pasilidad ng bagong POB ay ang all gender comfort rooms, charging stations, mas pinalaking breastfeeding room, at prayer room.

“Tiyak na malaking tulong ang bagong POB partikular na tuwing peak season kung saan umaabot sa halos 5,000 ang daily average passenger traffic sa Port of Masbate habang 700 to 1,000 bawat araw naman tuwing ordinaryong panahon,” saad ni GM Santiago.

Ayon kay PMO Masbate Acting Port Manager Oliver Rodulfo Jr., ang POB ay dinesenyo bilang pangalawa sa pinakamalaki sa Bicol Region sunod sa Port of Matnog.

“It is our hope that this new facility will serve as an inspiration for all of us, and inspire us to continue serving our customers and visitors with the same care and dedication that we always have,” ayon kay APM Rodulfo, Jr.

Bukod sa bagong POB, kabilang rin ang bagong Transit Shed sa pinasinayaan ngayong araw sa Port of Masbate na may laki na 1,000 sqm. at inaasahang makadaragdag sa income generation sources ng Port Management Office ng Masbate.

Kaya ng bagong Transit Shed ang mabilisang galawan ng mga kargamento dahil automated ang access points dito.

“Congratulations of course on the occasion of your inauguration of the newest port operations building and transit shed. Sabi ko kanina amazing, promising and hopefully fulfilling. Those are the three things I’m going to deliver to the Mayor upon reporting back to the office. Amazing because this is the first time, if I unto say this is so far the best government building we have in the home province of Masbate,” ayon kay Andrei Diez, kumatawan kay Masbate City Mayor Socrates Tuazon.

“Ito po ay isa lamang sa napakarami pang proyekto ng PPA na nakalatag para sa mga kababayan natin ngayong taon, susundan po ito ng bagong PTB sa Coron, Palawan sa Marso 15 at ang pinakamalaking PTB sa bansa na matatagpuan sa Calapan, Oriental Mindoro na ating pasisinayaan sa Marso 27. Lahat ng yan parte po ng pagsasaaayos natin ng mga terminal at mga pasilidad ng PPA na patuloy na mararamdaman ng mga pasahero,” dagdag ni GM Santiago.

####