One (1) Lot Supply of Materials for the Electrical Works at Admin, Port of Zamboanga, Zamboanga City
One (1) Lot Supply of Materials for the Electrical Works at Admin, Port of Zamboanga, Zamboanga City
One (1) Lot Supply of Materials for the Electrical Works at Admin, Port of Zamboanga, Zamboanga City
Procurement of Service Provider for the Conduct of Problem Solving and Decision Making Training
Procurement of Meals for the Conduct of Workshop on Port Business Development and Marketing Strategies
Supply of Labor and Materials/Equipment for the Maintenance of Comfort Room at the Commission on Audit (COA) Office at Old PPA Admin Bldg.
Supply of Various Electrical Materials for the Maintenance of Port Facilities for the 2nd Semester, Port of Cagayan de Oro
PMO-Bataan/Aurora Annual Procurement Plan for FY 2025 Procurement of Goods and Services (Rev 3)
Head Office Amended Annual Procurement Plan for FY 2025 for Procurement of Goods and Consultancy as of November 6, 2025
Sinuri ng DOTr at PPA ang mga pantalan sa Bicol na naapektuhan ng bagyong “Uwan” upang tiyakin ang kaligtasan at pagpapatuloy ng operasyon.
12 NOBYEMBRE 2025 — Matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Uwan’ sa Luzon, nagsagawa ng inspeksyon sina Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa Pio Duran Port sa Albay, Virac Port, at San Andres Port sa Catanduanes sa rehiyon ng Bicol ngayong Martes, Nobyembre 11, 2025.
Personal na sinuri ng DOTr at PPA ang nasabing mga pantalan na hinagupit ng bagyo nitong Linggo at Lunes, Nobyembre 9 at 10. Batay sa inisyal na pagsusuri, nasira ang top pavement ng slope protector malapit sa isang rampa ng Pio Duran Port. Habang sa San Andres Port naman, nasira ang ilang solar light, kisame ng passenger terminal building, at roll-up door ng generator set.
Agad naman na nagsagawa ng clearing operation ang pamunuan ng PPA-Port Management Office ng Bicol at inalis ang mga nasirang kagamitan sa pantalan para matiyak na ligtas ang mga pasahero, port worker, at iba pang gumagamit ng pantalan.
“Base po sa ating initial damage assessment, operational po ang status ng lahat ng mga pantalan na nasa ilalim ng pamamahala ng PPA dito sa Bicol. Ang unang tinamaan po sa atin ay sa Virac sa Catanduanes pero sa pagsusuri natin ay malaki po ang naging damage sa Port of Pio Duran sa Albay. Tinitiyak po natin sa publiko na alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay bibilisan po natin ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng pantalan at bago matapos ang taon ay masisimulan na po natin ang mga hakbang para maisaayos ito,” ani PPA General Manager Jay Santiago.
Bukod sa mga nabanggit na pantalan na binisita ng mga opisyal ng DOTr at PPA, nakapagtala rin ng pagkawasak sa Port of Pasacao sa Camarines Sur, kung saan dalawang high mast lighting ang nabaklas at nasira ang mga CCTV cameras dahil sa lakas ng hampas ng hangin.
Dagdag pa ni GM Santiago, kasabay ng pagsasaayos sa mga nasira sa pantalan, tinitiyak ng ahensya na ligtas ang mga istruktura at mga pasilidad nito para sa lahat ng mga pasahero. Kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, nagkaroon din ng pag-uusap tungkol sa mga proyekto ng ahensya at kung paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng komunidad.
###
Meals and Accommodation re Conduct of PPA Workplace Team Building and Wellness Program CY 2025, Batch 2 on November 28-30, 2025 (Albay Province)