PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO IPINAG-UTOS ANG ‘FULL MANPOWER’ SA MGA PANTALAN NGAYONG HOLY WEEK
18 MARSO 2024, MAYNILA — Humigit kumulang dalawang milyong pasahero (2,077,603) ang inaasahan ngayong Semana Santa sa mga pantalan sa buong bansa base sa datos ng Philippine Ports Authority, mas mataas kumpara sa Semana Santa noong nakaraang taon na 1,860, 037, kaya naman dalawang linggo bago ang Semana Santa, nagpalabas na ng memorandum si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ng pagpapatupad ng ‘Full Manpower’ para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.